11/01/2011

Sundot ka ng Sundot


somethings bothering me. at ndi ko sure kng gud or bad sya. naprapraning ako sa pagdapo nya. kailangan ko magisip. manahimik. wag kang mangulet jan sa isip ko. ndi mo ba alam na bawal pumasok jan. may lock. pin. security code. bkt ka ba gumugulo. wag mo idamay ang ndi dapat idamay. tigilan mo ang pagsundot. 

*inhale exhale. inhale exhale. inhale exhale* 

sana mamaya mawala na sya. bawal kang tumambay sa utak ko. wag mo guluhin ang isipan ko. please lng. wag ngayon. wag kahit kailan. ndi pedeng maging mali ang lahat. ndi pedeng maubos ang pasensya sa isang bagay. kng pede lng mamasyal ka muna. gawin mo na. bumalik ka na lng sa susunod na araw pag cgurado na. panandalian lng naman. bawal pagusapan. ndi pa oras. ndi pa panahon. kaya kng pede eto ang pera at pumunta ka muna sa lugar kng san ndi mo ko magugulo. 

*words of a preoccuppied mind* to be continued......

10/20/2011

Banchetto Con Side Trip

wer to start. dig deeper.deep deep deep. 




*habang ikaw seryoso nagiisip may tumatawa sa kabilang line tapos biglang napikon*


.... hagdan patungong sukdulan.


unang hakbang : pag gcng ang almusal ay sermon. ung tipong pag dilat mo ng mata mo eh ang daming sinasabi sau na tipong akala mo nakikinig ka ng rock music. hardcore kng baga. walang lyrics puro hampas ng drums. bass snare at cymbals. biglang nangasar si antok. nilayasan ka sa mga panahong kailangan mo itulog kasi kala mo panaginip lng. wala kang nagawa. binangon mo na lng. sabay hampas ng ulo sa pader. at kumanta ng 'GUD MORNING SA INYOOOOO'. sabay ligo. pasok.


pangalawang hakbang : papasok. naglalakad. tuliro. may lss. sermon con pandesal. hinawakan ang fone. *boom* sumabog. kiti. dumaan ang trak. gumitna. atat. sumabog ang ulo. gustong umuwi. bumalik at wag pumasok. ano ganon ganon na lng. anong nangyari. sa usapang lasing. buti kng lasing. lasing sa kagaguhan. may usapan sa hangin. sinulat sa tubig. nabasa. natuyo. naubos ng parang kandila. naglahong parang bula. kumuha ng papel. madaming papel. madami pang papel. nagsulat ng top 10. first honor. pangdaigdigan. sabay tanong. anong trip mo banda jan?


pangatlong hakbang : basa ang daliri. humangos sa kawalan. umangat tumaas. gang lumutang. umupo. tumayo. umupo tumitig. biglang bumaha. sinimulan magbilang ng oras. isa dalawa tatlo... madaming tupa. sumagot nagsulat pero walang sustansya. nagtanong nanlito. walang sumagot. tumayo sumaglit. walang pumansin. nagpakalunod sa tubig. sa mainit na tubig na binuhos ng kataksilan. humupa nawala. pinasalangit ang paso. nalapnos humanap ng lunas. walang matagpuan. sinimulan titigan ang kamay ng panahon. tik tak tik tak tik tak. lumabas ang manok. oras na para magtuos ang lingunin ang dalawang baitang. babalik. 


pang-apat na hakbang : uuwi. lumipad ang kaldero. nawala ang laman. nahipan ng hangin. dumiretso sa tyan. naghanap muli ng nakahain. naunahan ng ligpit. tumingala sa langit. nagtanong anong meron. tumungo naglakad. nagisip ng wala. humakbang paatras. ang utak na walang laman. nagpahangin nagpausok. tumapang. aalis aatras. pero sasabak. ndi pa tapos. kalbaryong kinamulatan. humabol gang dumilim. daig na daig. ang pacenciang tinda sa tabi tabi. isang oras na lng. isang saglit pa. isang pagsabog na lng. patunaw na. 


pang limang hakbang : lumabas. umupo. tumayo. naglakad. bumalik. umupo. nakipagtuos sa bughaw na baso. pumigil. nagpapagil. sumunod sa ikot. sumasandali. muling nagpausok. natuyo ang dagat. na knina pang low tide. nangamatay ang isda. sa talim ng pana. bato doon. bato dito. naubos ang pana. naghasa ng dila. tumalim tumulis. sumabay muli sa ikot. nagpakalunod sa dilim. dumilim ang paligid. mata na lng ang nakasilip. puti ng mata. nagkulay pula na. demonyo eto na. sumasanib na sya. muling umikot. pumigil nagpapagil. pero di nagpadaig. malakas masakit. nahulog sa malalim. dumanak ang dugo. ngunit ndi lumabas. nakulong sa loob. tinusok pumutok. ang LOBO ng ispiritu. 


pang anim na hakbang : sa demonyo nanalig. isa lng ang nasambit. TANG-INANG YAN. biglang naglaho.


end.

10/17/2011

Isang Sulyap

minsan sa dami ng nangyayari sa buhay mo. ndi mo alam kng ano pa ang dapat at matatandaan mo don. minsan. meron ka din dapat kalimutan. pero lagi mong iisipin. ang kahapon ay laging iba sa bukas. 


bago ka matulog minsan masarap ang pakiramdam. masaya ang alaala. mga bagay na ndi na pedeng maulit kinabukasan. dahil malamang pag gcng mo ulet. iisipin mo kng meron pa bang mauulit sa nakaraan. pero syempre. in da end. lahat ng mangyayari sau sa araw na yon at sa pagtatapos ng araw. ang masasabi mo na lng. rakenrol! at ndi man sa paraan o sa pakiramdam mong gusto mangyari. may nangyari pa rin. mas importante. 


magulo pa. at kng susumahin mo. mas gugulo pa. pero sa totoo lng. masaya. pero dahil nga laging may balance of nature. dadating ang panahong magiging malungkot. 


pag dumating ang panahong yon. isa lng ang pede mong gawin. itulog mo. kasi for sure pag gcng mo. ibang pangyayari na naman ang magaganap. at pag gumising ka. na malungkot ka pa rin. lumabas ka. namnamin mo ang sikat ng araw at magpasalamat ka na lng. na at least buhay ka pa. ndi mo pa katapusan. 


pasensya na magulo. ndi organized. at walang point ang ideyang ito. kasi in reality. wala din ako sa wisyo. kasi sabi. pag may sumusundot na maling pakiramdam sau. gumawa ka ng kahit anong makakapagdivert ng atensyon mo. at eto ang naisip ko. ang magtype ng magtype. 


sa isang sulyap sa buhay mo. dun mo marerealize na ang dami na palang nangyari sau. at lahat na ng klaseng pakiramdam naramdaman mo. minsan dinedeny mo lng. basta ako. kng ano ano pa man. alam ko na kng san ako patungo. sa daang pinili kong tahakin. kawalan man sya sa mga panahong ito. liko liko man sya. bako bako. maligaw man ako dahil sa maling karatula sa buhay ko. makakarating pa rin ako sa paroroonan ko kahit ubos na ubos na ako. sa lugar kng san masaya ako o sa lugar na mas magiging masaya ako. na alalahanin na lng lahat ng naranasan ko sa paglalakbay na yon. 


*to be continued....*