10/17/2011

Isang Sulyap

minsan sa dami ng nangyayari sa buhay mo. ndi mo alam kng ano pa ang dapat at matatandaan mo don. minsan. meron ka din dapat kalimutan. pero lagi mong iisipin. ang kahapon ay laging iba sa bukas. 


bago ka matulog minsan masarap ang pakiramdam. masaya ang alaala. mga bagay na ndi na pedeng maulit kinabukasan. dahil malamang pag gcng mo ulet. iisipin mo kng meron pa bang mauulit sa nakaraan. pero syempre. in da end. lahat ng mangyayari sau sa araw na yon at sa pagtatapos ng araw. ang masasabi mo na lng. rakenrol! at ndi man sa paraan o sa pakiramdam mong gusto mangyari. may nangyari pa rin. mas importante. 


magulo pa. at kng susumahin mo. mas gugulo pa. pero sa totoo lng. masaya. pero dahil nga laging may balance of nature. dadating ang panahong magiging malungkot. 


pag dumating ang panahong yon. isa lng ang pede mong gawin. itulog mo. kasi for sure pag gcng mo. ibang pangyayari na naman ang magaganap. at pag gumising ka. na malungkot ka pa rin. lumabas ka. namnamin mo ang sikat ng araw at magpasalamat ka na lng. na at least buhay ka pa. ndi mo pa katapusan. 


pasensya na magulo. ndi organized. at walang point ang ideyang ito. kasi in reality. wala din ako sa wisyo. kasi sabi. pag may sumusundot na maling pakiramdam sau. gumawa ka ng kahit anong makakapagdivert ng atensyon mo. at eto ang naisip ko. ang magtype ng magtype. 


sa isang sulyap sa buhay mo. dun mo marerealize na ang dami na palang nangyari sau. at lahat na ng klaseng pakiramdam naramdaman mo. minsan dinedeny mo lng. basta ako. kng ano ano pa man. alam ko na kng san ako patungo. sa daang pinili kong tahakin. kawalan man sya sa mga panahong ito. liko liko man sya. bako bako. maligaw man ako dahil sa maling karatula sa buhay ko. makakarating pa rin ako sa paroroonan ko kahit ubos na ubos na ako. sa lugar kng san masaya ako o sa lugar na mas magiging masaya ako. na alalahanin na lng lahat ng naranasan ko sa paglalakbay na yon. 


*to be continued....*